Pangulong Duterte sentro ngayon sa usap-usapan sa buong mundo dahil sa matapang na kampanya nito para sugpuin ang salot na droga.
Nuong inilunsad ni Pangulong Duterte ang kampanya laban sa iligal na droga na kanyang ipinangako na susugpuin nya bago matapos ang kanyang termino,marami ang nagtaas ng kilay.
Dahil diumano hindi ganun kadali na buwagin ang mga sindikato ng droga lalo na't ang mga sangkot pa dito ay mismong may matataas pa na katungkulan sa gobyerno.
Pagkaupo ng presidente ay inilunsad na agad ang kampanya na tinawag na Oplan"TOKHANG"na ibig sabihin ay "Katok at Hangyo"na programang ginamit sa Davao.
Ngayon marami rito ang pumupuri maging ang mga dayuhan ay napapansin na ito dahil ngayon lang nagkaroon ng presidente na matapang at hindi takot maging sino man ang sangkot dito.
Taliwas naman ito sa nakaraang administrasyon na sa loob ng anim na taon na panunungkulan tila wala itong nagawa na mismong sa pambansang piitan pa niluluto ang Shabu.
At ang dating DOJ secretary pa diumano na ngayon ay senador na,Senador Laila Delima ang isinasangkot at itinuturo na isang protektor ng mga sindikato,na mahigpit naman nya itong itinatanggi.
Ayon sa datos mahigit isang libo na ang napapatay na ayon sa pulisya ay sila-sila rin mismo (mga sindikato)ang nagpapatayan.
Bagamat umaalma ang ilan mas marami naman ang gusto at sumusuporta sa kampanyang ito.
Kamakailan ay nagpahayag ng pakbahala ang UN dahil baka daw nalalabag na ang karapatang pantao ng mga suspek.
Pero desidido talaga ang administrayon na masugpo ang problemang ito na nagbanta pa kamakailan na hihiwalay sa UN kung patuloy na makikialam ito.
Phot credit to the owner:
No comments:
Post a Comment